Skip to content

Kapayapaan Sa Mundo Essays

PANDAIGDIG NA PAGPAPAHAYAG NG MGA KARAPATAN NG TAO

PANIMULA

Sapagkat ang pagkilala sa katutubong karangalan at sa pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig.

Sapagkat ang pagwawalang-bahala at paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay nagbunga ng mga gawang di-makatao na humamak sa budhi ng sangkatauhan, at ang pagdatal ng isang daigdig na ang mga tao ay magtatamasa ng kalayaan sa pagsasalita at ng kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay ipinahayag na pinakamataas na mithiin ng mga karaniwang tao.

Sapagkat mahalaga, kung ang tao ay di-pipiliting manghawakan bilang huling magagawa, sa paghihimagsik laban sa paniniil at pang-aapi, na ang mga karapatan ng tao'y mapangalagaan sa pamamagitan ng paghahari ng batas.

Sapagkat mahalagang itaguyod ang pagpapaunlad ng mabuting pagsasamahan ng mga bansa.

Sapagkat ang mga mamamayan ng Mga Bansang Nagkakaisa ay nagpatibay sa Karta ng kanilang pananalig sa mga Saligang karapatan ng tao, sa karangalan at kahalagahan ng pagkatao at sa pantay na mga karapatan ng mga lalaki at babae at nagpapasiyang itaguyod ang kaunlarang panlipunan at lalong mabubuting pamantayan ng buhay sa lalong malaking kalayaan.

Sapagkat ang mga Kasaping Estado ay nangako sa kanilang sarili na tamuhin sa pakikipagtulungan sa mga Bansang Nagkakaisa, ang pagtataguyod ng pandaigdig na paggalang at pagtalima sa mga karapatan ng tao at mga saligang kalayaan.

Sapagkat lubhang mahalaga ang pagkakaunawa ng lahat sa mga karapatan at kalayaang ito at lubhang mahalaga sa ganap na pagsasakatuparan ng mga pangakong ito.

Ngayon, Samakatuwid, Ang Pangkalahatang Kapulungan ay nagpapahayag ng Pandaigdig na Pagpapahayag na ito

ng mga Karapatan ng Tao

bilang pangkalahatang pamantayang maisasagawa para sa lahat ng tao at bansa, sa layuning ang bawat tao at bawat galamay ng lipunan, na laging nasa isip ang Pahayag na ito, ay magsikap sa pamamagitan ng pagtuturo at edukasyon na maitaguyod ang paggalang sa mga karapatan at kalayaang ito at sa pamamagitan ng mga hakbang na pagsulong na pambansa at pandaigdig, ay makamtan ang pangkalahatan at mabisang pagkilala at pagtalima sa mga ito, maging ng mga mamamayan ng mga Kasaping Estado at ng mga mamamayan ng mga teritoryo na nasa ilalim ng kanilang nasasakupan.

Artikulo 1

Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran.

Artikulo 2

Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa Pahayag na ito, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan.

Bukod dito, walang pagtatanging gagawin batay sa katayuang pampulitika, hurisdiksiyunal o pandaigdig na kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng isang tao, maging ito ay nagsasarili, itinitiwala, di-nakapamamahala sa sarili o nasa ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya.

Artikulo 3

Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili.

Artikulo 4

Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang pangangalakal ng alipin.

Artikulo 5

Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit,di-makatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa.

Artikulo 6

Ang bawat tao'y may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas.

Artikulo 7

Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi ng pangangalaga ng batas. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pangangalaga laban sa ano mang pagtatangi-tanging nalalabag sa Pahayag na ito at laban sa ano mang pagbubuyo sa gayong pagtatangi-tangi.

Artikulo 8

Ang bawat tao'y may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas.

Artikulo 9

Walang sino mang ipaiilalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon.

Artikulo 10

Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang na kriminal laban sa kanya.

Artikulo 11

Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas sa isang hayag na paglilitis na ipinagkaroon niya ng lahat ng garantiyang kailangan sa kanyang pagtatanggol.

Walang taong ituturing na nagkasala ng pagkakasalang pinarurusahan dahil sa ano mang gawa o pagkukulang na hindi isang pagkakasalang pinarurusahan, sa ilalim ng batas pambansa o pandaigdig, noong panahong ginawa iyon. Hindi rin ipapataw ang parusang lalong mabigat kaysa nararapat nang panahong magawa ang pagkakasalang pinarurusahan.

Artikulo 12

Walang taong isasailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananhimik, pamilya, tahanan o pakikipagsulatang ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan. Ang bawat tao'y may karapatan sa pangangalaga ng batas laban sa gayong mga panghihimasok o tuligsa.

Artikulo 13

Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hanggahan ng bawat estado.

Ang bawat tao'y may karapatang umalis sa alin mang bansa, pati na sa kanyang sarili, at bumalik sa kanyang bansa.

Artikulo 14

Ang bawat tao'y may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig.

Ang karapatang ito'y hindi mahihingi sa mga pag-uusig na tunay na nagbubuhat sa mga pagkakasalang di-pampulitika o sa mga gawang nasasalungat sa mga layunin at simulain ng mga Bansang Nagkakaisa.

Artikulo 15

Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan.

Walang sino mang aalisan ng kanyang pagkamamamayan ng walang katwiran ni pagkakaitan ng karapatang magpalit ng kanyang pagkamamamayan.

Artikulo 16

Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan o relihiyon. Nararapat sila sa pantay-pantay na karapatan sa pag-aasawa, sa panahong may asawa at pagpapawalang bisa nito.

Ang pag-aasawa'y papasukan lamang sa pamamagitan ng malaya at lubos na pagsang-ayon ng mga nagbabalak magkapangasawahan.

Ang pamilya ay likas at pangunahing pangkat sa sangay ng lipunan at karapat-dapat sa pangangalaga ng lipunan at ng Estado.

Artikulo 17

Ang bawat tao'y may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba.

Walang sino mang aalisan ng kanyang ari-arian nang walang katwiran.

Artikulo 18

Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon; kasama sa karapatang ito ang kalayaang magpalit ng kanyang relihiyon o paniniwala maging nag-iisa o kasama ang iba sa pamayanan upang ipakilala ang kanyang relihiyon o paniniwala sa pagtuturo, pagsasagawa,pagsamba at pagtalima.

Artikulo 19

Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag; kasama ng karapatang ito ang kalayaan at kuru-kuro nang walang panghihimasok at humanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at kaisipan sa pamamagitan ng alin mang paraan ng pagkakalat at walang pagsasaalang-alang ng mga hanggahan.

Artikulo 20

Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan.

Walang sino mang pipiliting sumapi sa isang kapisanan.

Artikulo 21

Ang bawat tao'y may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili.

Ang bawat tao'y may karapatan sa pantay na pagpasok sa paglilingkod pambayan ng kanyang bansa.

Ang kalooban ng bayan ang magiging saligan ng kapangyarihan ng pamahalaan; ang kaloobang ito'y ipahahayag sa tunay na mga halalan sa pana-panahon sa pamamagitan ng pangkalahatan at pantay-pantay na paghahalal at idaraos sa pamamagitan ng lihim na balota o sa katumbas na pamamaraan ng malayang pagboto.

Artikulo 22

Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat na makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at pakikipagtulungang pandaigdig at alinsunod sa pagkakabuo at mga mapagkukunan ng bawat Estado, sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na lubhang kailangan para sa kanyang karangalan at sa malayang pagpapaunlad ng kanyang pagkatao.

Artikulo 23

Ang bawat tao'y may karapatan sa paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, sa makatarungan at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa kawalang mapapasukang hanap-buhay.

Ang bawat tao'y may karapatan sa kapantay na bayad ng kapantay na gawain, nang walang ano mang pagtatangi.

Ang bawat taong gumagawa ay may karapatan sa makatarungan at nababatay sa kabayarang tumitiyak sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ng kabuhayang karapat-dapat sa karangalan ng isang tao, at pupunan, kung kailangan, ng iba pang paraan ng pangangalangang panlipunan.

Ang bawat tao'y may karapatang magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawa para sa pangangalaga ng kanyang mga kapakanan.

Artikulo 24

Ang bawat tao'y may karapatan sa pamamahinga at paglilibang, kasama ang mga makatwirang pagtatakda ng mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana-panahong pista opisyal.

Artikulo 25

Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot at kinakailangang mga paglilingkod panlipunan, at ng karapatan sa kapanatagan sa panahong walang gawain, pagkakasakit, pagkabalda, pagkabalo, katandaan at iba pang kakapusan sa ikabubuhay sa mga di-maiiwasang pangyayari.

Ang pagkaina at pagkabata ay nararapat sa tanging kalinga at tulong. Ang lahat ng bata, maging anak na lehitimo o di-lehitimo, ay magtatamasa ng gayon ding pangangalagang panlipunan.

Artikulo 26

Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad, doon man lamang sa elementarya at pangunahing antas. Ang edukasyong elementarya ay magiging sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay gagawing maabot ng lahat at ang lalong mataas na edukasyon ay ipagkakaloob nang pantay-pantay sa lahat batay sa pagiging karapat-dapat.

Ang edukasyon ay itutungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at sa pagpapalakas ng paggalang sa mga karapatan ng tao at mga pangunahing kalayaan. Itataguyod nito ang pagkakaunawaan, pagbibigayan, at pagkakaibigan ng lahat ng bansa, mga pangkat na panlahi o panrelihiyon, at palawakin ang mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa sa ikapapanatili ng kapayapaan.

Ang mga magulang ay may pangunahing karapatang pumili ng uri ng edukasyong ipagkaloob sa kanilang mga anak.

Artikulo 27

Ang bawat tao'y may karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan, upang tamasahin ang mga sining at makihati sa mga kaunlaran sa siyensiya at sa mga pakinabang dito.

Ang bawat tao'y may karapatan sa pangangalaga ng mga kapakanang moral at materyal bunga ng alin mang produksiyong pang-agham, pampanitikan o pansining na siya ang may-akda.

Artikulo 28

Ang bawat tao'y may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mga karapatan at mga kalayaang itinakda sa Pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan.

Artikulo 29

Ang bawat tao'y may mga tungkulin sa pamayanan sa ikaaari lamang ng malaya at ganap na pagkaunlad ng kanyang pagkatao.

Sa paggamit ng kanyang mga karapatan at mga kalayaan, ang bawat tao'y masasaklaw lamang ng mga katakdaan gaya ng ipinapasya ng batas ng tanging sa layunin lamang ng pagtatamo ng kaukulang pagkilala at paggalang sa mga karapatan at mga kalayaan ng iba at sa pagtugon sa makatarungang kahilingan ng moralidad, kaayusang pambayan at ng pangkalahatang kagalingan sa isang demokratikong lipunan.

Ang mga karapatan at kalayaang ito ay hindi magagamit sa ano mang pangyayari nang nasasalungat sa mga layunin at mga simulain ng Mga Bansang Nagkakaisa.

Artikulo 30

Walang bagay sa Pahayag na ito na mapapakahulugan ang nagbibigay sa alin mang Estado, pangkat o tao ng ano mang karapatang gumawa ng ano mang kilusan o magsagawa ng ano mang hakbang na naglalayong sirain ang nakalahad dito.

Maraming mga nag sasabi na kailangan na ng kapayapaan dahil sa mga panibagong labanan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at mga Moro rebelde sa may timog na rehiyon ng Pilipinas.

Sinimulan ni Presidente NoyNoy Aquino yun militar kampanya na tawag “All-Out Justice” na papayagan ibomba yun mga lugar na baka taguan ng mga Moro rebelde.

Nangnyari ito pag katapos ng “Al-Barka Basila Incident” – yun pag patay ng 19 sundalo ng hukbo ng Pilipinas habang kalaban yun mga gerilya Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Pinaghukay ng Between the Lines kung ano talaga nangnyari sa Al-Barka Basilan incident.

Mga 20,000 tao lumayas dahil sa labanan at maraming natatakot sa pang-aabuso ng mga tropa ng goberyerno:

Mga tao humihingi na ng kapayapaan sa Mindanao

Yun unang mga natuklasan (hindi pa tapos yun imbestigasyon) sa pagpupulong ng Presidente at AFP  (Armed Forces of the Philippines) yun huling Biyernes ay sinabi na yun mga namatay na sundalo ay hindi naman dapat talaga napapunta doon. Namatay sila kasi pinapunta sila doon at hindi sila handa at walang ka plano-plano. Parang pumunta talaga sila doon para mamatay.

The initial findings – THE INVESTIGATION IS STILL GOING ON – as reported in the command conference with the President and the AFP’s (Armed Forces of the Philippines) top brass last Friday, was that the soldiers who died shouldn’t have been sent there in the first place. They died because they were sent there unprepared and without planning, so much so that they were practically sent there to die.

Pero kahit bago pa sa kaguluhan na ito, wala naman masyadong na tupad sa usapan para sa kapayapaan sa mga Moro rebelde. Sabi ni blogger Vencer Crisostomo, ganito ‘to kasi yun goberyno ni Aquino ay wala talagang plano para hanapin at ayusin yun ugat ng problema:

Yun mga usapan ng gobyerno para sa kapayapaan galing sa OPAPP ay sinayang lang yun pagkakataon na mag-sign ng kasunduan. Sinira pa yun usap ng kapayapaan kasama ng NDFP (National Democratic Front) at MILF kasi maling diskarte ang ginagamit nila — hindi pinapagtunay yun mga dati pang kasunduan at ginagamit yun usapan ng kapayapaan para sa militar.

The government peace panels under OPAPP (peace adviser) have wasted an opportunity to sign a peace agreement and have sabotaged the peace process with the NDFP (National Democratic Front) and MILF by employing a flawed framework among others, by arrogantly refusing to honor previous agreements and agreed upon processess, and utilizing the peace processes as a military psy-war arm.

Si Reese's my random thoughts…nakikita na yun “all-out justice” kampanya ni Aquino ay hindi naman talaga iba sa “all-out war”:

Binigyan ni PNoy ng awtorisasyon yun AFP ibomba yun mga kampo ng MILF sa Zamboanga Sibugay at gumawa pa ng masmatindi pang operasyon sa Basilan at Lanao del Norte para matangal na yun mga may pananagutan sa Basilan at mga iba pang atake ginawa ng mga MILF kumander.

Ang ibig sabihin ba ng “all-out justice” ay yun panglayas at abuso ng mga 16,000 tao? At bago pa sa Basilan incident meron na mga 125,000 tao umalis sa Mindanao dahil sa operasyon ng militar?

PNoy authorized the AFP to bomb MILF camps in Zamboanga Sibugay and to undertake intensified ground operations in Basilan and Lanao del Norte in order the flush out the supposed perpetrators of the Basilan and following other attacks attributed to alleged bandits/”rogue” MILF commanders.

Is “all-out justice” means displacement and violations of the rights of 16,000 civilians? Which prior to the Basilan incident there were already 125,000 evacuees in Mindanao because of continuous military operations?

Ayaw ng an Insomniac ng deklarasyon para sa gera sa Mindanao:

Kung itigil yun usapan ng kapayapaan at ipahayag ng gera na kalaban ay MILF, di ibig sabihin noon na yun kampanya na yun ay hindi lang nasa Basilan, pero nasa Lanao del Norte, Sarangani at Davao del Sur rin…

Madali lang sa mga tao sa Capital na gustong may dugo na itaas ang kanilang mga kamao at sabihin “ihiganti ang mga sundalo!”. Kaya nila ito gawin kasi yun mga bahay nila ay malayo sa mga mujaheedin ng MILF. Pero paano naman yun mga tao nasa Mindanao?

To end the peace talks and declare an all-out war against the MILF would mean the waging of a campaign which would not only be based in Basilan, but would also cover areas as far as Lanao del Norte, Sarangani and Davao del Sur…

The blood-thirsty public in the Capital may find it easy to raise their fists in the air and shout “avenge the soldiers.” And they can confidently do these things because their homes are far from the reaches of the MILF's mujaheedin. But how about the people of Mindanao?

Nalulungkot at ayaw ni Julius Mariveles na ang daming tao na may gusto sa gera, mas lalo na yun mga tao sa media:

Maaari ko lamang umasa na yun mga may-ari ng istasyon ay bigayan ng mga tagapagbalita ng mga tamang kasangkapan at kasanayan para ipag-ulat yun mga problema na sobrang imporante sa nasyon natin.

Kung hindi nila magawa ito di mas tatanga lang yun mga nanonood at bibigyan pa ng dahilan yun guera. Magiging malaking kapahamakan ito para sa mga tao ng Mindanao.

Pero ang pinaka trahedya dito ay yun mga ibang mamamahayag na, kahit alam nila o hindi, sinisuportahan yun gera sa Mindanao at nakakalimutan na nila yun paghirap ng mga tao sa Negros dahil sa “Total War Policy” ni dating pangulo Corazon Aquino.

I can only hope that station owners and managers can be more conscientious in arming broadcasters with the necessary tools and skills for them to competently report and dissect issues such as this that are of great national importance.

Failing to do so would only lead to the dumbing down of an audience and justify an all-out war that will be disastrous to the people of Mindanao.

But the most tragic part is the fact that some broadcast journalists who, consciously or unconsciously, support an all-out war in Mindanao have conveniently forgotten the sufferings wrought on the civilian populace in Negros island by the Total War Policy of former President Corazon Aquino.

Si Raissa Robles, kinakalkula ang gastos ng digmaan sa Mindanao kompara sa gera ng dating pangulo, Joseph Estrada, sa MILF sa 2000:

Habang yun dalawa at kalahating taon pagkapangulo ni Estrada, 471 MILF rebelde at 222 sundalo ng gobyerno ay namatay.

Pwede natin isipin na karahiman ng mga namatay ay nangnyari sa 2000 All-Out War.

At sa panahon na yun, sabi ng MILF na 92 rebelde nasaktan at yun Armed Forces of the Philippines (APH) naman iniulat na 270 tao na saktan sa pag labanan na ito. Sa kabuuan, 431 tao na saktan.

During Estrada’s two and a half-year presidency, 471 Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels and 222 government soldiers were killed.

We can presume that most of the fatalities occurred during the 2000 All-Out War.

In addition, during the same period, the MILF claimed 92 rebels were injured while the Armed Forces of the Philippines (AFP) reported 270 injured – or 431 injured from both sides of the conflict.

Sumulat si Carlos Conde, beteranong mamamahayag, tungkol sa mga Moro na tumakas at nawawalan ng bahay dahil sa dekada ng labanan sa Mindanao:

Hindi tama kung sabihin natin na si Unsay at yun mga kababayan niya ay sanay na sa buhay na palaging pinapalayas at walang totoong bahay. “Pinipilit itong buhay sa amin”, sabi niya. Sabi niya na kahit na kaya nila bumuli ng kongkretong bahay, mga bahay kubo lang ang ginigawa lang namin kasi “susunogin lang rin naman eh.”

To say that Unsay and his fellow villagers are used to a life of constant displacement is inaccurate. “We are forced to lead this kind of life,” he said. He pointed out that even though they can afford to build concrete houses, many villagers built huts made of grass and bamboo because these “would be burned anyway.”

Kwenento ni Dr. Carol Araullo yun kasaysayan ng armadong salungatan sa pagitan ng mga Moros at mga pwersa ng pamahalaan sa Mindanao:

Meron gera na ayaw matapos sa pagitan ng Philippine pamahalaan at ang MILF sa ang makasaysayang mga pangangailangan ng Bangsamoro para sa karapatan sa magpaganap sasarili at sa kanilang minamana lupa. Mga hindi maikakait na mga karapatan ng tao Moro tinanggihan ng mga Espanyol at mga Amerikano na kolonyalista pagkatapos yun gobyerno ng Manila, kaya yun pang-aapi nila ay hindi pa talaga natatapos.

There is an ongoing war between the Philippine government and the MILF over the historic demands of the Bangsamoro for the right to self-determination and to their ancestral domain. These inalienable rights of the Moro people have been denied them by the Spanish and American colonialists then by what they call the Manila government post-independence, thus bringing about their marginalization and oppression as a people for centuries up to the present.